Isang 47-anyos na kasambahay ang natagpuang patay sa bahay ng kanyang amo sa Sampaloc, Maynila nitong Martes ng umaga, Mayo 30.

Kinilala ang babae na si Daisy Palacio, residente ng Leo Street, Sampaloc, Maynila.

Sinabi ng pulisya na ang babae ay stay-in housemaid ng isang pamilya sa Tuazon St., Sampaloc, Manila.

Batay sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) Samaloc Police Station (PS-4), dakong 9:15 ng umaga nang matagpuan ng kanyang amo ang bangkay ng babae sa loob ng banyo.

Agad namang ini-report ng employer ang insidente sa MPD PS-4.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad sa kaso.

Diann Ivy Calucin