Tila marami ang naka-relate sa latest Facebook post ng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz tungkol sa mga taong may utang sa kaniya at hanggang ngayon, tila wala pang paramdam na magbabayad.

Ibinahagi ni Ogie ang litrato ng isang manyikang karaniwang ginagamit ng isang "mangkukulam" at tinutusok ng isang napakalaki at napakahabang karayom.

"Pagmasdan n'yo munang mabuti ang picture. Alam na natin ang ibig sabihin niyan. Na kung hindi makabayad at nagtatago na sila eh dito man lang, makaganti ka," ani Ogie.

Sey ni Ogie, kahit ganoon naman ay malabong gawin niya ito sa mga taong may pagkakautang sa kaniya.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Nako, anlabo po na gawin ko ‘to sa mga mga makakapal ang mukha. Kahit andami pang may utang sa akin na yung iba ay hindi mo na mahagilap at yung iba nama’y di na nga nakakabayad, pero gusto pang dagdagan ang utang at yung iba’y ang kakapal ng mukha na galit pa pag sinisingil, hinding-hindi ko po magagawa ang nasa ibaba."

Ngunit pabirong hirit ni Ogie sa dulo, "Kung maliit na karayom lang yan, baka kayanin naman."

Matatandaang nagkaroon ng mga post si Ogie noon tungkol sa mga taong hanggang ngayon ay tigas-leeg at walang pahiwatig na magbabayad ng pagkakautang sa kaniya.