Tapos na ang pila para sa "Dirty Linen" star at Kapamilya teen actress na si Xyriel Manabat matapos niyang i-flex sa TikTok ang kaniyang non-showbiz boyfriend na nagngangalang "Nat Toledo."

Sa saliw ng tugtuging "If We Ever Broke Up" ni Mae Stephens ay nagpa-cute sa TikTok ang dalawa.

"@NatToledo subukan brumoke up tamo," sey ni Xyriel sa kaniyang caption.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Biro ng mga netizen, naipakilala na raw ba ni Xyriel kay Angel Aquino, ang kaniyang gumaganap na nanay sa serye ang jowa?

"Kilala na po," sagot naman ni Xyriel.

Isang basher naman ang nagtanong, "Ba't 'yan?"

Sagot ni Xyriel, "Bakit ka nangingialam?"

Sa kabuuan ay marami ang natutuwa para sa kasiyahan ngayon ni Xyriel; bongga na ang career, bongga pa ang lovelife!

"May jowa reveal ang ferson!"

"Pakasuwerte naman ng guy!"

"Sana naman pumila 'yan, biglang nakasingit kay Xyriel."

"Dalaga na talaga si Madam Ana Manalastas!"

"Don't mind your bashers masaya kami para sa'yo mhie!!!"