Kasabay ng pagtabo sa takilya ng live adaptation ng Disney na “The Little Mermaid” ay ang kuwelang paandar ng content creator na si Juarlito Power na bumirit at nagbihis ala-Ariel sa isang mall sa Pampanga.

Kasama ni Juarlito ang kapwa content creators na sina Junjun Salarzon bilang Ursula at si Pixie Valmadrid bilang si Prince Eric.

“The Little Mermaid deleted scene,” laugh trip na caption ni Juarlito sa kaniyang TikTok post.

Ekslusibong nakapanayam ng Balita si Juarlito at ibininahagi nito kung paano nagsimula ang kanilang nakatutuwang trip.

Human-Interest

Paalala sa misis ng mga mister na binabalakubak, umani ng reaksiyon

“Kaloka ‘di namin expected lahat yun. Bago itong ‘Little Mermaid’ concert namin, nag-concert na kami ng ‘Bang Bang’ nila Junjun, Pixie, and ako dun sa SM Clark then naisip namin ulit na mag-perform ala Little Mermaid ang atake kasi viral ‘tong movie na ‘to and take note mga ate walang practice yan! Kakapalan lang talaga ng fez ang puhunan namin,” lahad ni Juarlito.

Nang tanungin naman siya kung ano ang reaksiyon niya na marami ang natuwa sa kanilang paandar, ito ang naging pahayag ni Juarlito:

“Siyempre po natuwa ang mga ‘kween’ kasi marami pa lang natutuwa sa’min kaya humanda pa kayo sa susunod naming mga paandar! Singit ko lang po, ‘dun pala sa mga bad comments na nababasa namin, maloka lang kayo sa amin.”

Kuwelang ibinahagi rin ni Juarlito na sa totoong buhay ay may pagkakapareho sila ng Disney princess na si Ariel.

“Nasa sinapupunan pa lang ako feeling ko sirena na talaga ako. Ang similarities naman namin ni ate mo Ariel ay parehas lang kaming maganda,” aniya.