Patuloy na bumabagal ang Typhoon Betty na kumikilos na patungo sa hilagang-kanluran ng karagatan ng silangan ng Cagayan, habang nananatili sa Signal No. 2 ang dalawang probinsya sa Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes ng hapon, Mayo 29.

Sa tala ng PAGASA nitong 5:00 ng hapon, namataan ang mata ng Typhoon Betty 445 kilometro ang layo sa silangan ng Calayan, Cagayan, na may maximum sustained winds na 155 kilometer per hour at pagbugsong 190 kilometer per hour.

Kumikilos ito hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometer per hour.

Naitala ang Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

  1. Batanes 
  2. Hilagang-silangang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga) kabilang na ang Babuyan Islands

“Minor to moderate impacts caused by gale-force winds are likely within the areas where Wind Signal No. 2 is hoisted,” anang PAGASA.

Samantala, nakataas naman sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar: 

  1. Mga natitirang bahagi ng mainland Cagayan
  2. Isabela
  3. Apayao
  4. Ilocos Norte
  5. Abra
  6. Kalinga
  7. Mountain Province
  8. Ifugao
  9. Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler)
  10. Quirino 
  11. Hilagang-silangan bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Solano, Bagabag, Diadi, Villaverde, Bayombong, Ambaguio)
  12. Hilagang bahagi ng Catanduanes (Caramoran, Viga, Gigmoto, Panganiban, Bagamanoc, Pandan)
  13. Hilagang-silangan bahagi ng Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Lagonoy, Tinambac, Siruma)
  14. Polillo Islands
  15. Hilagang bahagi ng Camarines Norte (Vinzons, Paracale, Jose Panganiban, Capalonga, Talisay, Daet, Mercedes, Basud) 
  16. Hilaga at gitnang bahagi ng Ilocos Sur (Gregorio del Pilar, Magsingal, San Esteban, Banayoyo, Cervantes, Burgos, Santiago, San Vicente, Santa Catalina, Lidlidda, Nagbukel, Sinait, Sigay, San Ildefonso, Galimuyod, Quirino, City of Vigan, San Emilio, Cabugao, Caoayan, San Juan, Santa, Bantay, Santo Domingo, Santa Maria, Narvacan, Salcedo, City of Candon)

“Minimal to minor impacts from strong winds (i.e., strong breeze to near gale strength) are possible within any of the areas where Wind Signal No.1 is currently in effect,” saad pa ng PAGASA.

Posible naman umanong i-downgrade ang bagyong Betty sa isang severe tropical storm sa huling bahagi ng Huwebes, Hunyo 1, o unang bahagi ng Biyernes, Hunyo 2, at sa tropical storm pagdating ng huling bahagi ng Biyernes, Hunyo 2, o maaga sa Sabado, Hunyo 3.