AshBoo stans, mag-ingay!

National

Mga residente sa Bicol region, stranded dahil sa malawakan at lagpas taong pagbaha

Matapos ang sold-out anniversary concert ni Popstar Royalty Sarah Geronimo noong Mayo 12, agad na magbabalik-Araneta Coliseum ang singer sa Hulyo, kasama naman ngayon ang ka-tandem niyang si OPM rock icon Bamboo.

Ito ang kumpirmado nang anunsyo sa verified Facebook account ng singer nitong Lunes ng gabi, Mayo 29.

Magaganap ang concert sa darating na Hulyo 7.

Samantala, wala pang dagdag na detalye ukol sa petsa ng bentahan ng ticket, at presyo nito.

Basahin: Sarah Geronimo nagpasalamat sa mga taong nakatulong sa 20th anniv concert – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa ngayon, maraming fans naman ng dalawang OPM stars ang excited na para sa concert ng tandem.

Nakilala sina Sarah at Bamboo bilang #AshBoo dahil sa kanilang iconic na duo sa ASAP stage, ang Sunday music variety show ng Kapamilya Network.

Noong Mayo 23, nauna nang nagpahiwatig ang dalawa kasunod ng reunion photo sa Instagram.