Isa sa mga pinakapinag-usapan sa katatapos lamang na Binibining Pilipinas 2023 Grand Coronation Night ay ang pag-upo ng isa sa mga miyembro ng grupong SB19 at rising solo artist na si Josh Cullen.

Josh Cullen (Larawan mula sa IG/Binibining Pilipinas)

Sa Twitter, top trending topic si Josh, na ayon sa mga tagahanga nito ay bagay na bagay daw maging hurado sa isang beauty pageant dahil sa kisig at kagwapuhan nito.

Screengrab mula sa Twitter

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Kaniya-kaniyang tweet ang “A’tin” o fans ng SB19 lalong-lalo na ang mga may bias kay Josh. Narito ang ilang tweets na nakalap ng balita mula sa trending hashtag na “#JoshCullenxBinibiningPilipinas2023.”

“Multi-awarded & Billboard Award Nominees PPOP Group SB19 and as a Solo Artist no other than Mr. Josh Cullen Santos.

"Grabe ang introduction. Deserve!”

https://twitter.com/starquake17/status/1662819360749281280?s=46&t=8BsjN6pvYh1CvxX-e5yT4Q

“Hindi pa ako natutulog. Gising na gising pa kaluluwa ko. Kasalanan mo to Josh. Ang gwapo mo masyado.”

https://twitter.com/jcsrising/status/1662949156124778496?s=46&t=8BsjN6pvYh1CvxX-e5yT4Q

“One thing I love about Josh Cullen is that if he chooses to get wild, he'll definitely go wild, but if he chooses to get sophisticated, he'll show you how fine of a young gentleman he is. In both ways, he exudes sexiness and charisma like no other.”

https://twitter.com/stanislav_ds/status/1662850100484534274?s=46&t=8BsjN6pvYh1CvxX-e5yT4Q

Samantala, sa isang Instagram post, ibinihagi naman ni Josh ang mga larawan niya suot ang obrang gawa ng designer na si Francis Libiran, kasabay ng pagpapasalamat sa team nito.

Josh Cullen (Screengrab mula sa IG ni Josh Cullen)

Sa ngayon ay trending pa rin sa Josh sa Twitter, habang ang kaniyang Instagram post naman ay may higit 40k likes na.