Sunud-sunod ang mga anak ng artista ngayong 2023 na may honors na natatanggap sa kani-kanilang schools.

Nakakabilib ang ganitong balita. Dahil alam naman natin sa likod ng success, kaakibat nito ang pagsisikap, pagpupursige, tiyaga, sakripisyo at lahat-lahat na.

Ang kagandahan ay nagbunga ng maganda, ang lahat ng suporta, pangaral at disiplina ng mga showbiz parents nila. Gaya nila Alma Concepcion sa anak na si Cobie Puno sa pagiging Cum Laude sa Amerika, ganoon din ang anak ni Sheryl Cruz na si Ashley Nicole Cruz Bustos na isa namang Summa Cum Laude sa Amerika rin.

Pero pahuhuli ba ang anak nina Gladys Reyes at Christopher Roxas na si Gian Christophe Reyes Sommereux na 1st honor, class salutatorian at subject excellence awardee sa naganap na Senior High graduation? Lahat ng 'yan ay na-mention at ibinahagi ni Gladys sa kaniyang Instagram pati na ang video nang tawagin si Gian sa stage at sabihin ang mga awards na natanggap.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Aminadong na-surprise si Gladys sa award na natanggap ng anak. Alam niya raw na may award pero wala raw siyang ideya kung anong award ang matatanggap ng anak sa mismong graduation.

“Sharing my "surprise moment', I didn't know that my son will be awarded First Honor until it was announced," anang Gladys sa kaniyang Instagram post.

"You could hear my surprised remark from the background. Teachers were not allowed to tell us in advance, all I know is that he has an award.

At nang tawagin daw uli si Gian for another award ang mother ni Gladys ay pinasama niya to join sa success ng anak.

“When his name was called again, for Subject Excellence Award, I asked my Mom Z, her lola Pretty to join us."

Maging ang late loving father ng aktres ay inalala nito sa ganitong pagkakataon sa magandang kaganapan para sa anak.

“If only my late father, his Lolo Abung is still here to witness all this, he would be ecstatic for sure. I remember when Christophe was younger, his lolo would tirelessly bring and pick him up from school, waiting patiently 'til his classes finish."

Lubos ang kasiyahan ng puso ni Gladys sa nakamit na award ng anak. Thankful siya sa Diyos sa nakaka-proud na gift ni Gian sa kanilang pamilya. Full support nga ang buong family ni Gladys kasama si Christopher, ang Nanay niya at mga anak.

“Can't get over with this moment, my heart is full! God answered my son's prayer. We are forever grateful. Our pride...our son @christophe_sommereux 1st Honor.”

Dagdag pa ni Gladys na ang dalawa pa nilang anak ni Christopher Roxas na sina Grant at Aquisha ay pawang Headmaster awardees sa kanilang school.

O di ba nakakabilib ang ganitong success ng mga anak. Kaya naman bumuhos ng congratulations sa Instagram ni Gladys.