Matapos pagpiyestahan sa social media ang naging binyag ng anak hanggang sa kontrobersyal na sagutan nila ng kapwa social media personality na si Christian Merck Grey alyas "Makagwapo" tungkol sa ipinangako nitong ₱349,000 para sa anak, dumating na sa puntong nagdesisyon ang huli na pagbigyan na siya at ibigay na rito ang cash.

Alang-alang daw sa kapakanan ng inosenteng bata na nadadamay na sa isyu, ibibigay na ni Makagwapo ang hinihingi sa kaniya ng social media personality at dating miyembro ng Hasht5.

Pero paglilinaw ni Makagwapo, hindi niya talaga sinabing tototohanin niya ang naturang usapan, na noong una ay biru-biruan lamang at hindi naman niya akalaing seseryosohin ni Xander.

Dumating na nga sa puntong humingi na ng tulong si Xander sa kapwa social media personality na si AwitGamer.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Isa pa, "naiingayan" na raw si Makagwapo kay Marlou/Xander dahil sa panay parinig nito sa social media.

"Ayoko naman na parang may nadadamay na bata which is yung anak ni Marlou, siyempre tatay rin naman ako, so para matapos na, para matuldukan na 'to, oh sige na Marlou, papaubaya na 'ko... ibibigay ko na yung perang hinihingi ni Marlou! Kahit hindi niya ako inimbita (sa binyag ng anak) para lang matapos na 'to, kasi nadadamay na yung bata, ibibigay ko na yung ₱349,000 na sinasabi mo Marlou..." ani Makagwapo.

BASAHIN: Ninong serye: Makagwapo, ibibigay na raw ang ₱349k kay Xander Arizala

Ngunit sa latest FB videos ni Marlou/Xander, tila hindi pa nagpupunta si Makagwapo sa kanilang bahay upang i-abot nang personal ang pera.

"Sa mga taong galit na galit sa akin ngayon dahil mukha raw akong pera, pasensya na kayo. Sa hirap ng buhay ngayon, eh kailangan talaga ng tao ng pera," paliwanag ni Xander.

Samantala, tawang-tawa naman si Makagwapo kay Xander dahil ngayon lamang daw siya nakakita ng isang taong siya na nga may kailangan, siya pa ang may ganang mang-abala ng kapwa, ayon sa kaniyang Facebook video.