Isa sa mga masasayang ina ngayon ang Kapuso actress na si Sheryl Cruz para sa tagumpay na nakamit ng kaniyang anak sa Amerika.

Kasalukuyan kasing nasa US si Sheryl para dumalo sa graduation day ng kanyang unica hija na si Ashley Nicole Cruz Bustos. Bukod sa graduation ay may highest honors ang anak ni Sheryl, bilang Summa Cum Laude sa San Francisco State University last May 26 (US date).

Sa Instagram post ni Sheryl ibinahagi nito ang magandang balita ng anak na may kalakip ng mga larawan at video sa mismong graduation day na ginanap sa Oracle Park, San Francisco, California USA.

Triple celebration na rin itong maituturing dahil nagbirthday ang anak ni Sheryl last May 25 kasunod na araw ng graduation at pagiging Summa Cum Laude nito. Kaya binati nito ang kanyang anak at nagwish.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Wishing you a very bright future filled with opportunities & limitless growth with boundless achievements that will make you a positive, courageous, prosperous, an individual that will exude confidence and grace under pressure with wisdom beyond your years.

“I’ve seen your sacrifices & hard work; I’m so delighted it paid off so wonderfully. Congratulations on your Honors Convocation Anak. Again, I am so very proud of you. Know that I will be here for you, even if we do not see eye to eye at times.

“Happy birthday my Ashley. You are my pride and joy. May God bless you with great success in all of your endeavors for the greater glory of the Almighty Father in Heaven! I love you.”

Bagamat hiwalay na as husband and wife sina Sheryl at Norman Bustos hindi naging problema ito para mabuo sila, sa nakakaproud na event ng kanilang anak. Katunayan ay may larawan silang tatlo na ibinahagi sa Instagram ni Sheryl na magkakasama. Kaya naman kita sa litrato ang buong saya at ngiti ni Ashley na kahit pansamantalang magkakasama ang parents niya ay nangyari sa pagtatapos ng kanyang kolehiyo sa kursong Psychology.