Humingi na ng paumanhin ang social media personality na si Rendon Labador sa celebrities na napagsalitaan niya ng masasakit na pahayag gaya nina Coco Martin at Michael V.

Ginawa ito ni Rendon matapos makipagkita sa batikang broadcast journalist na si Ben Tulfo, sa mismong tanggapan ng Bitag Live.

Mapapanood sa mismong Facebook account ni Rendon ang kaniyang paghingi ng paumanhin sa mga personalidad na nasaling sa kaniyang straightforward na pananalita.

"Gusto ko pong humingi ng apology, gusto ko pong humingi ng pasensya sa lahat po ng Pilipinong nasaktan at naging emotional sa mga nangyayari sa social media,” ani Rendon.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Sa kabilang banda, hindi raw maipapangako ng social media personality na hindi na siya makapagsasalita ng mga masasakit kapag may celebrity na gumawa ng pagkakamali.

“Hindi ko po maa-assure kay Michael V, kay Coco Martin at sa lahat ng mga celebrity or atletang nadadamay sa lahat ng mga isyu na sinisita ko sa internet..."

“Pasensya na for being too straightforward. Ganoon talaga ako pinalaki ng aking mga magulang,” aniya pa.

Ganoon lamang daw siya magsalita dahil alam daw niyang sa ganoong paraan, ma-momotivate niya ang mga tao na baguhin ang hindi maganda sa kanila.

Wish din ni Rendon na matigil na ang paggawa ng fake news.

MAKI-BALITA: Kumakalat na pagbuwelta raw ni Ben Tulfo kay Rendon Labador, hindi totoo

"Sana matigil na ang fake news. Sana mag-level up tayo, sana huwag na tayo madamdamin, sana lumaban tayo...."

Sa mga hindi raw nakakaintindi sa kaniya, huwag daw silang mag-alala dahil hinding-hindi raw siya titigil hangga't hindi sila nag-iimprove.