Nagtungo sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa probinsya ng Cebu nitong Sabado, Mayo 27, upang dumalo sa mga pangunahing kaganapan sa magkahiwalay na lugar.

Tinapos ng dalawang nangungunang pinuno ng bansa ang kanilang mga pagbisita sa Cebu sa pamamagitan ng pagdalo sa grand launching ng isang pribadong daungan sa bayan ng Liloan sa hilagang bahagi ng Cebu.

Unang dumating si Duterte, na namahagi ng school supplies sa hindi bababa sa 1,000 mag-aaral mula sa iba't ibang paaralan sa Mandaue City.

Bahagi ang pamamahagi ng school supplies sa Mandaue City Sports Complex ng programang “PagbaBAGo: A Million Learners and Trees Campaign” ng Bise Presidente.

National

PBBM namahagi ng P100M ayuda; umaasang makabangon agad ang Bicol

MAKI-BALITA: VP Sara, pinangunahan paglulunsad ng PagbaBAGo Campaign ng OVP

Mula sa Mandaue, tumuloy si Duterte sa Liloan at sumama kay Marcos sa paglulunsad ng Pier 88 at Rosquillos Festival ng lungsod.

Pinuri ng Pangulo, na dumating sa Liloan bandang alas-tres ng hapon, ang pagtatayo ng daungan na magsisilbi umano sa mga pasahero sa Visayas, kabilang na sa Metro Cebu, Bohol, Camotes Islands, at Leyte.

“We witness today the grand launching of Pier 88, which shall offer a faster transport alternative for passengers and for cargo, and holds promise to become a local economic hub. It shall immensely serve the interests of the people of Liloan and beyond,” ani Marcos.

Sinabi rin ng Pangulo na nakalulugod makita ang pagtatayo ng daungan, kung saan nangunguna ang lokal na pamahalaan at nakikipagtulungan sa pribadong sektor at iba pang LGUs para sa mga layunin na naaayon sa national development agenda.

“Let us imagine if these kinds of projects are replicated across the country, laterally and locally coordinated, and harmonized both on the provincial and national levels, then we could say that we are genuinely closer to our ambition of a prosperous, inclusive, and resilient society,” saad ng Pangulo.

Dumalo rin sa aktibidad sina House Speaker Martin Romualdez, Tourism Secretary Christina Frasco, Transportation Secretary Jimmy Bautista, Cebu Rep. Duke Frasco, at Cebu Gov. Gwen Garcia.

Calvin Cordova