Usap-usapan na naman ang social media personality na si Toni Fowler dahil bukod sa pamimigay ng iPhone 14 sa makakatawag ng kaniyang pansin sa pamamagitan ng astig na paraan, aba'y naghahanap naman siya ng mga "maluluwag."

Mababasa sa verified Facebook account ni Toni ang kaniyang anunsyo nitong Biyernes, Mayo 26.

"MENTION MO KILALA MONG MALUWAG PAPASIKIPAN KO SA The ICON Clinic," mababasa sa FB post.

Screengrab mula sa FB ni Toni Fowler

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

Batay sa comment section, mukhang marami sa mga babae ang interesado rito at ang interpretasyon nila ay "pagpapasikeps" ang tinutukoy ng vlogger na napapanood din sa seryeng "FPJ's Batang Quiapo."

"Puwede pong pailong na lang hahaha."

"Steven Bansil chance mo na hahaha..."

"Maluwag tornilyo sa utak puwede?"

"Uy seryoso ba 'to hahaha..."

"Heto na yata hahahaha..."

Matatatandaang sumailalim din si Toni sa "pagpapasikeps" o Thermiva noong 2021.

BASAHIN: Toni Fowler, 'nagpasikeps' 

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 68k reactions, 21k shares, at 54k comments ang naturang Facebook post.