Puno ng excitement ang reigning Miss International na si Jasmin Selberg mula Germany para magaganap na 59th Grand Coronation Night ng Binibining Pilipinas ngayong gabi, Mayo 28.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Jasmin kung gaano siya nananabik para nasabing pageant, kasabay ng pag-good luck nito sa mga kandidata.

“Today is the finals of Binibining Pilipinas and I cannot put into words how excited I am about this.  I wish all the contestants good luck today,” aniya.

Tatlong araw na nasa bansa ang beauty queen para dumalo sa iba’t ibang aktibidades ng Binibining Pilipinas kabilang na ang mismong koronasyon ng bagong mga reynang kakatawan sa bansa sa mga parating na international pageants.

National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado

Present din ngayong gabi sina Vice Ganda, Darren Espanto, at ang grupong Alamat na may kaniya-kaniyang pasabog na performances, habang sina Miss Universe 2018 Catriona Gray, Miss Grand International 2016 1st runner-up Nicole Cordoves, at Binibining Pilipinas Universe 2014 MJ Lastimosa naman ang tatayong hosts sa naturang event.

Magaganap ang 59th Binibining Pilipinas Grand Coronation Night sa Araneta Coliseum, alas-otso ng gabi na may telecast sa A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel. iWant TFC, at sa opisyal na YouTube account ng Binibining Pilipinas na magsisimula naman ng 9:30 ng gabi.