Upang agad matugunan ang mga reklamo ng publiko, tuluyan ng pinatanggal ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang lahat ng mga TV sa lobby ng mga PNP station.

Ito ay nang magpalabas ng mahigpit na kautusan si NCRPO Director, Police Major General Edgar Allan Okubo sa mga district at station commanders sa National Capital Region (NCR).

Sa nasabing hakbang ay agad mabibigyan ng pansin ng kapulisan ang dumudulog sa kanilang tanggapan.

Nabatid sa heneral na nakarating sa kaniyang opisina ang mga hinaing ng publiko na hindi agad naasikaso ang kanilang mga reklamo dahil abala umano sa panonood ng TV ang  mga kapulisan na nakatalaga sa kanilang mga puwesto. 

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?