Naloka naman ang mga Kapamilya at Kapuso fans na nakapanood sa episode ng "">Fast Talk with Boy Abunda" kung saan na-guest sa pambihirang pagkakataon ang isa sa bankable stars at leading men ng ABS-CBN at kaniyang henerasyon na si Joshua Garcia.

Pangalawang beses na tumapak at bumisita si Joshua sa balwarte ng GMA Network para sa promotion ng seryeng "Unbreak My Heart," ang kauna-unahan at makasaysayang collaboration project ng dating magkaribal na TV network.

At dahil nga trending lagi ang mga kissing scene ni Joshua sa kaniyang mga katambal sa proyekto gaya nina Jane De Leon at Janella Salvador, natanong kaagad ni Tito Boy si Joshua kung ano ang naramdaman niya nang makahalikan naman si Asia's Best Actress Jodi Sta. Maria, gayundin ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia.

BASAHIN: ‘Matapos kina Janella, Jane!’ Joshua, hinigop si Jodi

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Aniya, dumaan naman sila sa "sensuality workshop" kaya praktisado na niya kung paano "humigop" on-cam.

Natanong ng King of Talk kung pareho lang ba ang ginagawa niyang paghalik on-screen at sa kaniyang personal na buhay.

Sagot ni Joshua, hindi raw, dahil sa personal na buhay ay gumagamit siya ng "tongue."

Siyempre, kinilig naman ang "pila" kay Joshua dahil kung intense na nga ang paghigop niya sa serye, paano pa kaya sa tunay na buhay?

Kaya sigaw ng mga netizen na matagal nang haling na haling kay Joshua: "Sana all nahihigop ng may dila!"

BASAHIN: 'May pabakat din!' Gabbi, di nakaligtas sa kamandag ng higop ni Joshua