Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Sabado ng hapon, Mayo 27, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 1:52 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 43 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 12 kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa City of Bislig, Surigao del Sur.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.