Nabagbag ang damdamin ng mga netizen sa Facebook post ng item collector at tatay na si "Toto Guilaran, Jr." matapos niyang ibahagi ang pagbebenta niya ng pre-loved "One Piece" collectibles para sa operasyon ng kaniyang anak na may malubhang sakit.

"Selling my (pre-loved One Piece) collectibles," aniya sa kaniyang FB post nitong Sabado, Mayo 27.

"All authentic from Japan."

"Last ko na lng gd n. Mga gagmay2x ko na tinago."

Kahayupan (Pets)

Libreng kapon sa mga pusang 'Maris' at 'Anthony' ang pangalan, handog ng isang veterinarian

"RFS: additional funds for the next 2 operations of my daughter.. Nakaclearance na kmi kay doctor for 2nd operation sa May 30.."

"Dako gd nga bulig sakon baby if you can buy. Miski nd nyu need.. Thank you in advance. Also Please Help Us pray for the successful operation," aniya pa.

Screengrab mula sa FB ni Toto Guilaran, Jr.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Toto, sinabi niyang ang anak na si "Nica Robin" (na hinango kay Nico Robin) ay may kakaibang kondisyon at nangangailangan sila ng ₱300k para sa operasyon nito.

"May hirchsprung po sya sir. Ung may part ng nerve sa intestine nya na d nagfunction kaya na colostomy muna sya para jan dadaan ung dum

Batay sa website na Boston Clinic Hospital, ang Hirchsprung Disease (tinatawag ding congenital aganglionic megacolon), "occurs when some of your baby's intestinal nerve cells (ganglion cells) don't develop properly, delaying the progression of stool through the intestines."

Pangalawang operasyon na ito ng kaniyang anak kaya bukod sa pinansyal na pangangailangan ay humihiling din ng dasal sa publiko si Toto para sa kaniyang anak.

Sa mga nagnanais na magpaabot ng tulong, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Facebook account ni Toto.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!