Hinikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlets sa kanilang lugar at tumaya na sa kanilang paboritong lotto games.

Ito’y dahil limpak-limpak na naman ang mga papremyo ng lotto na naghihintay na mapanalunan nila ngayong Biyernes, Mayo 26, ganap na alas-9:00 ng gabi.

Batay sa inilabas na jackpot estimates ng PCSO, nabatid na ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 ay aabot na sa ₱166 milyon habang nasa ₱25 milyon naman ang jackpot prize sa MegaLotto 6/45.

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles na walang talo sa pagtaya sa lotto dahil sa halagang ₱20 lang ay may tiyansa nang maging susunod na milyonaryo at makatutulong pa sa kawanggawa.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Pinaalalahanan naman ng PCSO ang publiko na bumili lamang ng tiket mula sa mga authorized PCSO outlets.

Ang UltraLotto 6/58 ay binubola tuwing Martes, Biyernes at Linggo habang ang MegaLotto 6/45 naman ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.