Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang suplay ng pangunahing bilihin kahit pa nagbabadyang tumama sa bansa ang panibagong kalamidad.
Pagbibigay-diin ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, mayroong suplay ng mga pangunahing bilihin na tatagal hanggang 40 araw.
Kaugnay nito, sinabi ni Castelo na maaaring magpatupad ng price freeze para sa pangunahing produkto ang mga lokal na pamahalaan, ito ay sa oras na magdeklara ng state of calamity ang mga local government unit na tatamaan ng bagyo.
Nauna nang isinapubliko ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na papasok ang super bagyo sa bansa ngayong Biyernes ng gabi o Sabado ng madaling araw.