Nasa bansa ngayon ang reigning Miss International 2022 na si Jasmin Selberg para sa 59th Grand Coronation Night ng Binibining Pilipinas ngayong Linggo, Mayo 28.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na espesyal na panauhin ang isang non-Pinay reigning titleholder sa kasaysayan ng Bb. Pilipinas.

Basahin: Winning gown ng delagada ng Germany na itinanghal na bagong Miss Int’l, gawang-Pinoy pala! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nitong Huwebes, Mayo 25, lumapag na nga sa bansa si Jasmin kung saan sinalubong siya ng masugid na pageant fans at siyempre ng BPCI family.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Muli ring reunited si Jasmin sa kaniyang queen sister na si Bb. Pilipinas International 2022 Hannah Arnold.

Maliban kay Hannah, na-meet na rin ni reigning Bb. Pilipinas International Nicole Borromeo si Jasmin nito ring Huwebes.

Bago lumipad sa Pinas, naging abala rin sa ilang official visits si Jasmin sa ilang bansa sa Asya kabilang ang Indonesia, Vietnam, bukod sa iba pa.

Ang reigning queen ay mula sa bansang Germany.