Naka-standby na ang mahigit sa isang milyong family food packs para sa mga pamilyang maaapektuhan ng Super Typhoon Mawar.

Ito ang kinumpirma ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa idinaos na inter-agency meeting ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Camp Aguinaldo, Quezon City nitong Biyernes.

Aniya, ipinakalat na nila ang mga food packs at 307,664 na non-food items sa mga bodega ng ahensya sa iba't ibang rehiyon upang madaling maipamahagi sa mga maaapektuhan ng bagyo.

Pagdidiin ni Gatchalian, ang kanilang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ang relief items aniya ay bahagi ng augmentation support sa mga LGU na inaasahang maaapektuhan ng super bagyo.

Inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Biyernes ng gabi.