Asahang mas tataas pa ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 matapos na hindi mapanalunan nitong Miyerkules ang ₱29M at ₱21M, ayon sa pagkakasunod-sunod. 

Sa inilabas na draw results ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules, Mayo 24, walang nakahula sa winning numbers ng 6/55 na 48-10-18-42-30-54 na may kaakibat na ₱29,700,000.00, gayundin sa 6/45 na may premyong ₱21,618,284.00 at winning combination na 06-15-37-45-28-23.

May be an image of ticket stub and text

Kaya naman asahan na mas tataas pa ang jackpot prizes ng nasabing lotto games. 

National

PPBM admin, tanggap pagpasok ng 'tunay na oposisyon' sa Senado; 'pekeng oposisyon,' lalabanan!

Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado habang ang Mega Lotto 6/45 ay kada Lunes, Miyerkules, at Biyernes.