Tila hindi pa rin makapaniwala ang drag queen na si Taylor Sheesh nang mapansin at itampok siya sa international site na Rolling Stone matapos nitong magsagawa ng kaniyang sariling “Eras Tour” sa isang mall sa Quezon City nitong nakaraang weekend.

“SORRY Taylor Swift I DON'T KNOW HOW TO CALM DOWN. Swifties Philippines WE MADE IT TO ROLLING STONE. LEZZ GO INTERNATIONAL MALL TOURS,” lahad nito sa isang Facebook post.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Ekslusibong nakapanayam ng Balita si Taylor Sheesh at ibinahagi ang kaniyang pakiramdam matapos makita ang mga ulat patungkol sa kaniyang latest drag show.

“To be honest, ‘di pa siya nagsi-sink in sa'kin na nare-recognize ako as a Taylor Swift impersonator internationally. Ini-enjoy ko pa ‘yung moments pero thank you sa mga validation and comments,” aniya.

“Sobrang saya kasi dumami ang nag-reach out sa'kin kung kailan ang next tour and saan. Dumami rin ang mga nakilala ko because ‘dun sa mga viral performances ko, and nakikita nila yung talent na shine-share ko,” dagdag pa ng drag queen.

Sa huli, ibinida ni Taylor Sheesh na marami siyang paparating na ganap na dapat abangan ng mga “Swifties,” kasabay ng pagbibigay ng detalye nito sa susunod na Taylor Swift drag show niya.

“Maraming dapat abangan. Lalo na't Pride Month na next month. Marami pang mall tours na paparating which di ko muna puwedeng i-share. Pero ang confirmed pa lang is may mall tour ako ulit on July 7, 2023 for Speak Now (Taylor's Version) An Enchanted Launch Party at MOA Music Hall,” lahad ni Taylor Sheesh.