Kinalugdan ng mga netizen ang isang taxi driver na may free ride o libreng sakay para sa mga guro at student teachers dahil nakapasa sa Board Licensure Examination for Professional Teachers o BLEPT ang kaniyang misis.
Ayon sa uploader at isa sa mga nakaranas ng free ride na si Danica Padilla, talaga namang nakakatuwang i-flex ang mga ganitong good vibes lalo na't sa kinahaharap na pagsubok ng mga drivers dahil sa taas ng presyo ng gasolina, ay may kagaya ng naturang taxi driver na manlibre ng sakay.
"FLEX KO PO ITO SI KUYANG DRIVER NG TAXI NA NAGSAKAY SA AMIN MULA SA Legarda rd. papuntang Leonard Wood Rd. NA MAY PLATE NUMBER NA YAA 4139 di ko lang po na ask yung name niya and nakapagpapic po kmi kaso sa cp niya huhuhu," ani Danica.
"SALUDO po ako sa inyo sa paglibre po ng sakay sa amin and by the way sa mga naisakay po niya na nailibre niya alam ko pong alam n'yo ang feeling na sobrang nakakatuwa na mayroon pa tayong driver na ganito."
Sa panayam ng Balita ay isinalaysay ni Danica, na mababasa rin sa kaniyang post sa isang Facebook page, ang karanasan nila sa naturang taxi driver.
"Kuwento ko lang po yung naging experience namin sa kaniya, actually sobrang lakas po ng ulan kaninang mga alas dose ng tanghali at mayroon po siyang ibinabang pasahero sa may tapat ng PSA sakto nag-aabang din kami ng masasakyan nun ng makita namin siya nakakatuwa lang po na kahit na papunta na sana siya na maglulunch inuna pa rin niya kaming isakay ng LIBRE, napansin kasi namin na nakapaskil po sa kaniyang taxi yung pagiging proud niya sa kaniyang asawa po dahil nakapasa siya sa LICENSURE EXAMINATION for TEACHERS and sobrang nakakaproud naman po talaga."
"May usapan daw po kasi sila ng asawa niya na pag nakapasa ito sa LET, ililibre niya ang bawat pasahero nyang nakapasa sa LET o ang mga teachers at student teachers pa lang po. Sumakto naman na kasalukuyan akong nag-aaral po ng Education and ang nakakaproud pa po dun sa BSU din po nakapag-graduate yung misis niya kung saan doon po ako kasalukuyang kumukuha ng edukasyon."
"Isipin mo hindi biro ito para sa mga Drivers natin na isakay tayo ng LIBRE hindi man maaccomodate lahat ng pasahero pero atleast sinubukan parin ni kuya ang BEST NYA MAGPASAKAY NG LIBRE PARA SA MGA NAG-AARAL NG EDUKASYON AT SA MGA MAGIGITING NATING MGA GURO."
"NAALALA KO PA YUNG SINABI NIYA NA 'MAGPAPASAKAY DIN AKO NG MGA STUDENT TEACHERS PARA NAMAN MAINSPIRE SILANG MAGPATULOY SA KANILANG PAG-AARAL.'"
"CONGRATULATIONS PO SA ASAWA NI KUYANG DRIVER AT SA LAHAT NG NAKAPASA SA LET, HAVE A SAFE DRIVE AND GOD BLESS YOU KUYA!!!" aniya pa.
Kamakailan lamang, isang tricycle driver naman sa Butuan City ang nagpa-free ride din para sa lahat matapos makapasa sa BLEPT ang kaniyang misis.
Nakapa-supportive naman ng mga mister na ito!
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!