Usap-usapan ngayon ang tila tuloy na tuloy na "rigodon" o pagbabago sa viewing habit ng mga manonood sa noontime, dahil ayon sa mga kumakalat na tsika, tila tuloy na tuloy na raw ang paglipat ng "Eat Bulaga" sa ibang estasyon.

Iyan ang napag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez sa kanilang entertainment vlog na "Showbiz Now Na."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakahanda na raw ang isang bigating producer na kung sakaling nakapagdesisyon na raw sina Tito Sotto III, Vic Sotto, at Joey De Leon o TVJ na lumipat ng TV network ay sasamahan nila ito. Bukod pa rito, may iba pa raw producers na game na makipag-collab sa kanila.

Nagkaroon na raw ng "secret meeting" at headcount sa mga host at staff kung sino-sino sa kanila ang sasama kung sakaling mag-oober da bakod na nga ang tinaguriang "longest-running noontime show" sa Pilipinas.

At lahat daw ng tinanong ay sasama sa TVJ.

Pati raw ang production team ay isang hugos na sasama sa kanila kung sakali ngang mangyayari ang lipatan ng channel.

Nakapagtataka rin daw na tahimik ang kabilang kampo sa isyu.

"May magbubulagaan at bubulagta," sey pa ni Cristy.

Samantala, kung mababakante ang noontime slot sa GMA Network, tanong ng marami ay sino ang papalit dito?

Dito na umusbong naman ang espekulasyong baka magbabalik na sa Kapuso Network at papalit sa Eat Bulaga ang "Wowowin" ni Willie Revillame, lalo't nagpa-pull-out na siya ng kontrata daw sa ALLTV at naka-sabbatical leave muna upang asikasuhin ang kaniyang ipinatatayong resort, at five-star hotel naman sa Tagaytay City.

Isa pa, may malaking anunsyo raw si Willie sa darating na Hunyo.

Kung lilipat nga ang Eat Bulaga sa TV5, baka maka-back-to-back nito ang "It's Showtime" at posibleng mapanood din sila Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang TVJ, pamunuan ng Eat Bulaga/TAPE, Inc., GMA Network, o maging si Willie tungkol dito.

Abangers na lamang tayo sa mga susunod na kabanata!