Nagbalik kamakailan sa kaniyang kinalakihang Malabon City ang isa sa OG Sexbomb girls na si Rochelle Pangilinan kung saan humataw pa ang Kapuso star sa ilang kababayan.

Ito ang viral video ni Rochelle sa Facebook habang humahataw sa harap ng Malabon City Hall at sa harap nga ng ilang mga residente ng Malabon.

Espesyal na panauhin ang Kapuso dancer-actress sa kamakailang Tambobong Indakan Festival 2023 sa lungsod.

Tampok ang ilang latest dance craze, humataw si Rochelle para sa mga taga-Malabon na makikitang masaya namang makita up-close ang Malabonian star.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Pagbabahagi ni Rochelle, “Huli akong nagperform sa harapan ng municipal hall ng Malabon ay majorette pa yata ako.”

“Kaya isang karangalan na makabalik at hanggang ngayon ay grateful na makapag perform sa kung saan ako nanggagaling!” dagdag niya.

Matapos ang ilang dekada, nanatili namang “proud Malabonian” si Rochelle na abot-abot din ang pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga kababayan.

Matapos i-upload noong Mayo 20, nasa mahigit 1.3 million views na ang viral video.