Hindi pa rin napanalunan ang ₱158M jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi, Mayo 23.

Sa official draw results, walang nakahula sa 04-23-26-36-05-15 na winning combination ng nasabing lotto game, habang pumalo naman sa ₱158,821,760.80 ang papremyo. Gayunman, may 29 na nanalo ng tig-₱120,000 para sa second prize. 

Samantala, wala ring nanalo sa Super Lotto 6/49 na may jackpot prize na ₱40,547,125.60 at may winning combination na 02-43-46-37-01-40. 

Maging sa Lotto 6/42 na may premyong ₱19,162,515.20 ay hindi rin napanalunan dahil walang nakahula sa winning combination na 41-16-36-22-24-37.

Dahil walang nanalo sa mga nasabing lotto game, asahan na mas tataas pa ang mga papremyo.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Kaya abangan ang mga announcement ng PCSO hinggil sa mga jackpot prize.

Binobola ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes, at Linggo, tuwing Martes, Huwebes, at Linggo naman ang Super Lotto 6/49 at kada Martes, Huwebes, at Sabado ang Lotto 6/42.