Asahan ngayong Wednesday draw ang milyun-milyong jackpot prizes sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa inilabas na jackpot estimates ng PCSO, papalo sa ₱29.7M premyo ng Grand Lotto 6/55 habang ₱21M naman ang Mega Lotto 6/45 na nakatakdang bolahin ngayong Miyerkules, Mayo 24.
"Sasabihin nya na sanang love ka rin nya, kaso nainip ka. Loveless ka tuloy ngayon. Morale of the story, 'wag susuko sa pangarap," saad ng PCSO.
Internasyonal
Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle
Ano pang hinihintay mo? Punta na sa pinakamalapit na lotto outlet at maglaro.
Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado habang ang Mega Lotto 6/45 ay kada Lunes, Miyerkules, at Biyernes.