Matapos ang naging mainit na palitan ng maaanghang na pahayag sa social media, pumayag na ang content creator na si Christian Merck Grey alyas "Makagwapo" na ibigay kay Marlou Arizala a.k.a. "Xander Ford/Arizala" ang pinagtatalunang ₱349,000 na ipinangako raw ng una para sa binyag ng anak ng huli na si Baby Xeres.

Alang-alang daw sa kapakanan ng inosenteng bata na nadadamay na sa isyu, ibibigay na ni Makagwapo ang hinihingi sa kaniya ng social media personality at dating miyembro ng Hasht5.

Pero paglilinaw ni Makagwapo, hindi niya talaga sinabing tototohanin niya ang naturang usapan, na noong una ay biru-biruan lamang at hindi naman niya akalaing seseryosohin ni Xander.

Dumating na nga sa puntong humingi na ng tulong si Xander sa kapwa social media personality na si AwitGamer.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Isa pa, "naiingayan" na raw si Makagwapo kay Marlou/Xander dahil sa panay parinig nito sa social media.

"Ayoko naman na parang may nadadamay na bata which is yung anak ni Marlou, siyempre tatay rin naman ako, so para matapos na, para matuldukan na 'to, oh sige na Marlou, papaubaya na 'ko… ibibigay ko na yung perang hinihingi ni Marlou! Kahit hindi niya ako inimbita (sa binyag ng anak) para lang matapos na 'to, kasi nadadamay na yung bata, ibibigay ko na yung ₱349,000 na sinasabi mo Marlou…" ani Makagwapo.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Xander Arizala tungkol dito.