Buo ang loob na inamin ni Mariel Rodriguez-Padilla na mas nakilala niya ang mga totoong kaibigan nang tumakbo at manalong senador ang mister na si Senador Robinhood "Robin" Padilla, matapos niyang sumalang sa "lie detector test" ni Bea Alonzo.

Inamin ni Mariel na nasaktan ang kalooban niya sa mga taong hindi na nga tumulong o sumuporta sa kanila, nagbitiw pa ng masasakit na salita laban sa kaniya at maging sa kaniyang mister.

Naging kasangkapan daw ang politika para malaman niya kung sino sa mga kaibigan niya ang tunay sa kaniya. May napagtanto rin si Mariel sa pagitan ng politika at pagkakaibigan.

"Siguro that’s why you really cannot put politics joined sa friendship. Siyempre may part na mahe-hurt ka but at the end of the day, kung aalagaan ko ‘yung hurt na ‘yun, kami lang naman ang talo eh,” aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sabi pa ng misis ng senador, "Okay na sa akin na hindi mo kami tinulungan pero at least hindi ka nagsalita against us. ‘Yung nagsalita ka pa against us, hindi ko na ‘yun matatanggap.”

Dahil ibang antas na nga ang kinalalagyan ngayon ng mister, nasasaktan din si Mariel kapag may mga nababasa siyang masasama laban sa kaniya. Ngunit mas pinipili na lamang niyang huwag pumatol.

“Sometimes when it’s about Robin, mas na-aaffect ako na gusto kong mag-answer back. Kaso feeling ko baka, one, lalaki lalo. Two, hindi ko naman alam talaga what I’m saying tapos maging worse pa ‘yung situation so hindi na lang.”

Binawas-bawasan na rin daw ni Mariel ang pagsha-shopping kahit matagal na siyang gumagastos para dito, wala pa man sa politika ang asawa. Pero ngayong public official na ito, mas pinili niyang huwag na lamang masyado.

Paglilinaw ni Mariel, kung makita man siya ng mga tao na nagsha-shopping, ito ay bunga ng kaniyang pinaghirapan, at hindi mula sa kaban ng bayan.

Bukod sa pagiging housewife ay patok din ang online selling ni Mariel sa social media.

Samantala, hindi naman tinukoy ni Mariel kung sino-sino bang mga kaibigan ang tinutukoy niya, na lumabas ang tunay na sinseridad sa kaniya dahil sa pagtakbo at pagkapanalo ni Robin.

Pero isa sa mga celebrity na napanatili niya ang pagkakaibigan ay kay Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga na naging co-host niya sa Pinoy Big Brother sa ABS-CBN, bago nangyari ang mga pagsubok dito nang magdesisyong suportahan ang ninong sa kasal at pangulo ngayon na si President Bongbong Marcos, noong nagdaang halalan.