Hinikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlets sa kanilang lugar at tumaya na sa kanilang paboritong lotto games.

Ito’y dahil milyun-milyon na naman ang mga papremyo ng lotto na naghihintay na mapanalunan nila ngayong Martes, Mayo 23, ganap na alas-9:00 ng gabi.

Sa inilabas na jackpot estimates ng PCSO, nabatid na ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 ay aabot na sa ₱155 milyon.

Nasa ₱40 milyon naman ang jackpot prize sa SuperLotto 6/49 at ₱20 milyon para sa Regular Lotto 6/42.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles na walang talo sa pagtaya sa lotto dahil sa halagang ₱20 lang ay may tiyansa nang maging susunod na milyonaryo at nakatulong pa sa kawanggawa.

Ang UltraLotto 6/58 ay binubola tuwing Martes, Biyernes at Linggo habang ang SuperLotto 6/49 ay binubola naman tuwing Martes, Huwebes at Linggo. Tuwing Martes, Huwebes at Linggo naman ang bola ng Lotto 6/42.