Matapos ang pinag-usapang "soft launch" ng estranged husband na si Jason Hernandez hinggil sa kaniyang "mystery girl," nag-post naman ang tinaguriang "Queen of Hugot Songs" na si Moira Dela Torre sa kaniyang Instagram account ng mga litrato na nagpaparamdam ng pagmamahal sa kaniya.

Ang mga naturang litrato ay iba't ibang mga kakilala, kaibigan, at personalidad na nagpaparamdam daw sa kaniya kung gaano siya kahalaga at minamahal.

"Never thought my heart could hold and feel this much love before," ani Moira.

Jason, binuhat si 'Mystery Girl:' 'Siya ang nagligtas sa’kin, ang nagbalik ng aking ngiti'

Bumuhos naman ang magagandang mensahe para sa kaniya mula sa kapwa celebrities gaya nina TJ Monterde, Angelica Panganiban, Iza Calzado, gayundin ang mga tagahanga at tagasuporta niya.

Kahapon ng Lunes, Mayo 22, muling flinex ni Jason ang litrato nila ng "bagong pag-ibig" habang nasa Horse Shoe Bend Canyon.

"Siya ang nagligtas sa’kin, ang nagbalik ng aking ngiti," caption ni Jason.

Naka-limit ang comment section nito subalit makikitang puro "haha reactions" ang naturang Facebook post.