Dahil hindi napanalunan ang ₱149 milyon, asahan na mas tataas pa ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa official draw results nitong Linggo, Mayo 21, walang nakahula ng winning combination ng Ultra Lotto 6/58 na 54-46-11-06-15-50 na may kaakibat na₱149,139,576.40 premyo.

Bukod dito, wala ring nanalo sa₱36,850,837.20 premyo ng Super Lotto 6/49 na may winning combination na 04-22-28-25-33-49.
Dahil dito, asahan na mas tataas pa ang jackpot prizes na mga nasabing lotto games ng PCSO.
Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo habang ang Super Lotto 6/49 ay kada Martes, Huwebes, at Linggo.