Kinaaliwan ng mga netizen ang video ng magkapatid na Toni Gonzaga at Alex Gonzaga matapos nilang maglaro ng "flip battle challenge."

Sa naturang laro, kailangang nakatayo pa rin sa mesa ang bote ng mineral water na hawak nila. Kapag tumumba ito, papahiran ng powder o pulbos sa mukha.

Game na game naman ang sissums sa kanilang laro, at sa dulo ng video, makikitang puro pulbos na sa mukha ang magkapatid.

Kapansin-pansing hindi tumatayo si Toni, nakaitim na damit, at hindi ipinakikita ang kaniyang tummy na natatakpan ng mesa. Mapapansin din na tila nag-gain weight ito, ngunit bagay pa rin naman, sey ng mga netizen.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Ganda ni Toni…"

"Gandang buntis ni Toni…"

"Yung makeup ni Toni very 2005😍 NOSTALGIC❤️❤️❤️"