Naantig ang damdamin ng mga netizen sa isang guro mula sa pampublikong paaralan sa Negros Occidental matapos niyang i-flex ang kaniyang pagganap sa tungkulin ng pagtuturo, habang inaalagaan ang kaniyang anak na babae.

Makikita sa Facebook post ng gurong si Ma'am Renilen Casagan-Tingson, 28-anyos, na habang nagtuturo siya ay bitbit o karga niya sa harapan ng klase ang kaniyang anak, na isang batang babae.

"Di ako masamang empleyado dahil nanay ako, at di rin ako masamang nanay dahil empleyado ako," giit ng guro.

"Sila: paano trabaho mo, kung lagi mong dala ang anak mo?"

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

"'Unfiltered moment in my life as a working mom.' Kapag naging nanay ka malalaman mo talaga kung hanggang saan ang kaya mong gawin/ibigay para sa anak at mga anak (student) mong umaasa sa'yo sa bawat araw."

Alam daw ng mga estudyante niya na kahit inaalagaan niya ang anak niya, hindi naman daw siya pabaya sa kaniyang pagtuturo.

"My students know everything, just ask them kung gusto mo ng proof. Di porket dala ko anak ko sa trabaho araw-araw pinapabayaan ko ang responsibilidad ko bilang guro sa mga estudyante ko. Weeks na lang magtatapos na ang school year na ito pero proud ako sa sarili ko kahit kailan di ko pinabayaan ang pagiging guro/trabaho/responsibilidad ko sa mga anak ko (students)."

"YOU are not considered less of a worker if you're a mother," giit pa niya.

Nakapanayam ng Balita si Ma'am Renilen at dito ay isinalaysay niya kung bakit araw-araw niyang kasama ang anak sa trabaho.

"Lumaki po kasi akong walang magulang, at alam ko po kasi ang feelings na walang nag-aalagang magulang at ayaw ko po maranasan niya yun kaya gusto ko po talaga ako mag-alaga sa anak ko," aniya.

"Isa pa po sobrang hirap po maghanap ng mapagkakatiwalaang magbantay ang dami-dami pong case na minamaltrato ng yaya ang mga binabantayan yung iba kinikidnap po kaya wala po akong tiwala, natatakot po ako at wala akong peace of mind sa trabaho di ako maka-focus kapag pababantayan ko siya sa iba. Nagtatrabaho din po Papa niya," sagot ng guro.

Marami naman ang humanga sa guro dahil hindi niya pinabayaan ang dalawang "anak" niya: ang kaniyang tunay na anak at mga estudyanteng itinuturing na anak sa loob ng paaralan.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 9.6k shares ang kaniyang viral Facebook post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!