Sinagot ng Kapuso actress na si Bianca Manalo ang isang basher na sumita sa video ng kaniyang pagsayaw habang nasa background ang kaniyang partner na si Senador Win Gatchalian, at pine-pet nito ang alagang asong si "Pearlie."

Sa video, makikitang biglang sumayaw si Bianca sa saliw ng "Flip" habang nakaupo naman sa sofa si Sen. Win at nilalaro si Pearlie.

"My babe @stgatchalian74 and my baba Pearlie, dancing monanay," caption ni Bianca sa kaniyang Instagram post.

Ngunit isang basher ang nagkomento rito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Mukantanga lang!"

Malumanay naman itong sinagot ni Bianca, "Welcome, basher!"

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Bakit daming basher ok at cute naman ang sayaw nya ah…"

"Maganda naman sayaw n'ya, nakakaaliw. Bakit dami basher."

"Wag ka po mag-alala Ms. Bianca ganyan din po ako sumayaw😂. Hayaan natin ang basher pag inggit pikit."

"Hahahahaha ang cute! Hayaan ang mga bashers. You look so happy kaya go lang, miss Bianca Manalo."