Hindi natinag ang singer at estranged husband ni Moira Dela Torre na si Jason Hernandez at tila itinuloy-tuloy na ang pag-flex sa kaniyang "mystery girl."

Matapos ang pa-Instagram story ng singer na si Jason sa kasamang bebot na "nguso" lamang ang ipinasilip sa mukha matapos matakpan ng sumbrero, ibinahagi naman niya ang likod nito.

Makikitang nakahilig pa sa kaniyang balikat ang ulo ng naturang "mystery girl" habang makikita sa kanilang harapan ang "Golden Gate Bridge sa San Francisco, USA, na masisilayan sa kaniyang IG story kahapon ng Biyernes, Mayo 19.

'Panguso out, pa-likod in!' Jason Hernandez, muling flinex 'mystery girl'

Matatandaang lumikha ng ingay ang nauna nang Instagram story ni Jason sa kaniyang kasamang babae sa litrato, na ipinagpalagay pa nga ng mga netizen na ang kaniyang estranged wife na si Moira Dela Torre.

Ngunit pabirong pinabulaanan ni Moira na siya ang mystery girl at nagkabalikan na sila ni Jason.

"'ako'y tahimik lang sa umpisa…' eme. di ako yon," caption ni Moira.

Sey ng mga netizen, mukhang "soft launch" na ito ni Jason sa kaniyang bagong pag-ibig.

At ngayong Lunes, Mayo 22, muling flinex ni Jason ang litrato nila habang nasa Horse Shoe Bend Canyon. Batay sa litrato, mukhang tumutugtog sa saliw ng gitara si Jason nang mga sandaling iyon.

"Siya ang nagligtas sa’kin, ang nagbalik ng aking ngiti," caption ni Jason.

Naka-limit ang comment section nito subalit makikitang may 20k haha reactions at 4.2k shares na ang naturang FB post.

(Screengrab mula sa FB ni Jason Marvin Hernandez)

Samantala, nagbigay naman ng reaksiyon at abogadong si Atty. Gideon V. Peña hinggil sa tila pa-soft launch ni Jason sa kaniyang bagong karelasyon.