Pinawalang-sala ng Sandiganbayan ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles kaugnay sa kinakaharap na 16 kasong may kaugnayan sa pork barrel fund scam.

“Finding Janet Lim Napoles NOT GUILTY in Criminal Case Nos. SB-14-CRM-0267 to 0282 for the failure of the prosecution to prove guilt beyond reasonable doubt in all the sixteen (16) charges of violation of Section 3 (e) of Republic Act No. 3019, or the Anti-Graft and Corrupt Practices Act, as amended,” bahagi ng isinapublikong desisyon ng 1st Division ng anti-graft court nitong Lunes.

Paliwanag ng korte, hindi napatunayan ng prosekusyon ang pagkakasala ni Napoles sa mga nasabing kaso.

Ipinaliwanag ng hukuman, ang mga alegasyon laban kay Napoles sa mga naturang kaso kung saan siya inabsuwelto ay "predicate crimes" ng plunder sa kaso ni Ramon Revilla, Jr. noong 2014 kung saan siya ay isinakdal na at hinatulan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Bukod kay Napoles, pinawalang-sala rin ang mga kasamahang akusado na sinaGondelina Amata, Ofelia Ordoñez, Sofia Cruz, Evelyn Sucgang, Francisco Figura, Ma. Rosalinda Lacsamana, Marivic Jover, Consuelo Lilian Espiritu, Victor Roman Cacal at Maria Ninez Guanizo.