Flinex ng aktres, TV host, at social media personality na si Alex Gonzaga-Morada ang kaniyang ateng si Toni Gonzaga-Soriano sa kaniyang Instagram post.

Sa pamamagitan ng pinagsama-samang video clips ng mga nagdaang bonding at travels nila ng ate, lalo na sa Dubai Expo, sinabi ni Alex na hindi lamang kapatid si Toni sa kaniya kundi kaibigan at support system.

"My sister, my friend and my support system," caption ni alex.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Nagkomento naman dito ang kaibigan nilang si Mariel Rodriguez-Padilla.

"Love you both," aniya.

"You're both so blessed to have each other," komento naman ng aktres na si Ruby Ruiz.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Dubai 🙌😮 sana makita ko kayo rito."

"Kakampi mo at dili mo kaaway."

"Good to see both of you…"

Samantala, may mga netizen naman na nagtatanong kung buntis ba talaga o nanganak na raw ba si Toni, na napaulat na buntis kamakailan dahil sa kaniyang baby bump, subalit wala pang kumpirmasyon mula mismo sa kanila.

"Is she pregnant? Seems not…"

"Di naman pala buntis si Toni."

"Nanganak na si Tin???"

Mismong mga netizen na ang nagsabing throwback videos lamang ang ipinakita ni Alex, nang sila ay nasa Dubai Expo noong 2022.