Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Lunes, Mayo 22, na lima sa 12 examinees ang pumasa sa April 2023 Chemical Engineers Special Professional Licensure Examination.

Sa tala ng PRC, ang limang tagumpay na pumasa sa liscensure exam ay sina:

  1. Agbunag, Elmar Buyao
  2. Pabilona, Czarina Faye Mocoy
  3. Pagapong, Sande Galanida
  4. Pillora, Robert Villarba
  5. Reyes, Hazel Marie Jordan

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Isinagawa umano ang naturang exam mula Abril 22 hanggang 24 ngayong taon sa Abu Dhabi at Dubai, United Arab Emirates; Al-Khobar at Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia; at Doha, Qatar.

Nito ring Lunes ay inanunsyo rin ng PRC ang listahan ng mga pasado sa May 2023 Chemical Engineers Licensure Exam.

MAKI-BALITA: 58.93% examinees, pasado sa May 2023 Chemical Engineers Licensure Exam – PRC