Nawindang na naman ang mga netizen sa panibagong "adult" music video ng social media personality/content creator na si Toni Fowler na may pamagat na "MNM" o "Masarap Na Mommy" na mapapanood sa kaniyang YouTube channel.

Mayo 14 pa inupload ang bagong music video, at ngayon ay tumabo na ito sa 3.8M views.

Ibinahagi rin ni Toni ang BTS o behind-the-scenes kung paano nila shinoot ang music video, na nahahati sa dalawang bahagi.

Kung nabash siya noon dahil sa "MPL" o unang music video na inilabas niya, muli niyang pinaalalahanan ang publiko na pang-adult only ito at huwag ipapanood sa mga bagets.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mas naloka ang mga netizen sa bagong music video dahil may nakita na ritong "k*pyas" sa isa sa mga eksena.

"she never disappoints when it comes to disappointing"

"THIS IS SOME HIDDEN TALENT, KEEP IT HIDDEN 🔥"

"Grabe ang ganda ng mensahe ng kanta. Pwede to gawing opening song tuwing may session sa senado."

"Grabe napakagaling ng pagkakaisip ng mga lyrics nakakainspire maging bingi."