Hanggang online muna ang interaction ng singer at actress na si Maris Racal matapos magpositibo ito sa Covid-19.

Ang "hindi nakakatuwang" balita ay isinapubliko ni Maris sa kaniyang TikTok account kasabay ang kaniyang "get ready with me" video.

Malungkot na ikinuwento ng singer ang kaniyang karanasan.

"Medyo nalulungkot na ‘ko and wala talaga akong interactions sa mga tao physically and in person kaya bumabalik ako sa TikTok," ani Maris.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sa video, bahagyang ibinahagi rin ni Maris ang karanasan nito nang makatrabaho ang miyembro ng 'Pinoy pop boy group BGYO na si Gelo Rivera.

Nakasama ni Maris si Gelo para sa music video ng kanta nitong "Carelessly" na inilabas nitong Mayo 18.