Binuweltuhan ng content creator na si "Christian Merck Gray" o kilala bilang "Makagwapo" ang kapwa social media personality na "AwitGamer" na siyang nilapitan ni Marlou Arizala a.k.a. "Xander Ford/Arizala" upang mahingi sa kaniya ang ipinangako raw niyang ₱349k para sa binyag ng anak niya.

Nakalagay mismo sa caption ng inilabas na Facebook video ni Makagwapo noong Mayo 19, "Awit gamer wag ka na makisali kay Marlou! Kala mo naman talaga eh no?"

Mapapanood sa video ang pag-uutay-utay at pagkomento ni Makagwapo sa mga nasabi patungkol sa kaniya ni AwitGamer. Sabi pa ni Makagwapo, kung titingnan daw ay tila matapang magsalita ang social media personality ngunit ang totoo raw, deep inside, ay may pagka-"Barbie" ito.

Kung tutuusin daw ay wala silang isyu ni Marlou ngunit nagtataka ngayon si Makagwapo kung bakit nagkaganito. Para naman kay AwitGamer, sana man lang daw ay inalam muna nito ang kaniyang panig bago ipagtanggol si Marlou.

Xander, bumuwelta kay Makagwapo: 'Huwag kang k*pal!'

"Hindi mo alam ang tunay na nangyari bago ka kumuda. Putak ka nang putak. Para kang ano eh… kaya ka nasusuntok sa mukha, kasi putak ka nang putak," sey ni Makagwapo. "Dami mong sinasabi, masyado kang madaldal."

Para naman sa sinabi ni AwitGamer na lugmok na si Marlou at hindi man lamang ito naawa sa kaniya, sinabi ni Makagwapo na wala siyang responsibilidad kay Marlou at sa anak nito. Ginusto raw ni Marlou na magkaroon ng pamilya kaya nararapat lang na ito ang gumawa ng paraan para sa gastusin ng kaniyang binyag.

Panghuling mensahe ni Makagwapo, "Awit, ikaw… kung namimiss mong matanggalan ng ngipin, sabihin mo lang sa akin anytime… miss ka na nga ng kamao ko eh, sa totoo lang… nabitin nga ako ng laban natin eh. Ngayon, kung sinasabi mo naman na ayaw mo no'ng sinuntok kita sa mukha, mag-body challenge tayong dalawa…"

Nakikisali lang daw si AwitGamer sa isyu "forda content."

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si AwitGamer tungkol dito.

Matatandaang nagkapalitan na rin ng kanilang maaanghang na pahayag sa isa't isa sina Makagwapo at Xander.