"Na-ambush" ni Dra. Vicki Belo si Miss Universe 2018 Catriona Gray kung kailan ito magpapakasal sa kaniyang fiancé na si Kapamilya actor Sam Milby, na mapapanood sa kaniyang vlog.

"When is the wedding?" untag ni Dra. Belo.

"Maybe next year na…" pahayag naman ni Catriona.

Hindi na idinetalye pa ng beauty queen-celebrity ang espesipikong petsa kung kailan sila ikakasal ni Sam sa susunod na taon. Wala rin siyang sinabi kung sa Pilipinas ba o ibang bansa.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Inilarawan naman ni Catriona si Sam bilang isang gentleman. Kapag kasama niya ito, pakiramdam niya ay guarded siya at safe siya.

Isa pa, gustong-gusto rin ni Queen Cat ang faith at pagiging family-oriented ni Sam.

Isa pa, naramdaman daw niyang hindi siya "ginagamit" ni Sam upang mas makilala pa o ma-associate sa kaniya dahil sa kaniyang beauty title.

Aminado naman si Cat na noong una, talagang kinilatis pa muna ng kaniyang pamilya si Sam, at naiyak pa nga raw ang kaniyang daddy nang makita na nitong nakasuot sa kaniyang anak ang engagement ring.