Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Sabado na tutulungan ng pamahalaan ang 815 na Pinoy workers na apektado ng ipinaiiral na work visa suspension sa Kuwait.

“We have agreed on a financial package and job-matching efforts for those whose dreams of working in Kuwait have been put on hold, temporarily, as both countries find the best way forward in addressing current concerns,” pahayag ni DMW Secretary Susan Ople sa isang television interview.

Nasa 515 sa nasabing bilang ang nagtatrabaho bilang domestic worker, habang ang iba pa ay nasa service sector at namamasukan bilang mga waiter, waitress, mall vendors, sales associates at nurse.

“The DMW met with private recruitment agencies with job orders for Kuwait and elsewhere to discuss joint efforts to help their workers look for either foreign or local employment so that they can continue to earn for their families," anang opisyal.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Kamakailan, sinuspindi ng Kuwaiti government ang pagbibigay ng visa sa mga Pinoy dahil sa paglabag umano ng Pilipinas sa bilateral agreement sa pagitan ng dalawang bansa.

Tinutulungan na ng Philippine Embassy ang Migrant Workers Office upang makipag-usap sa mga kinauukulan sa Kuwait hinggil sa repatriation ng mga apektadong OFW.