Matapos lumabas ang video ni Christian Merck Grey o "Makagwapo" hinggil sa pagtanggi nitong nangako siyang sasagutin ang mga gastusin sa naging binyag ng panganay na anak ni Marlou Arizala o "Xander Arizala," kaagad ding naglabas ang huli ng kaniyang video hinggil sa isyu.

"Gusto ko lang linawin sa inyo guys na wala naman akong pakialam doon sa mga screenshot na inilabas ni, sinasabi ni Christian Merck Grey. Ang ipinupunto ko po rito sa sinasabi ko, kay Christian Merck Grey… alam mo Christian Merck Grey, ang pinupunto ko rito, is kaya kita kinuhang ninong kasi sinabi mo sa akin na sasagutin mo yung binyag ng anak ko. 'Di ba, natatandaan mo 'yon" ani Xander.

"Tapos ikaw pa ang nagsabi sa akin na bibigyan mo ako ng 349k na pera. Oo wala nga akong naipakitang video sa 'yo 'di ba huwag kang kupal! Huwag kang kupal, Merck. Huwag mong binabago yung usapan. Huwag mong iniiba yung usapan. Kaya kita kinuha kasi sabi mo sa akin, gusto mo sasagutin mo yung binyag…"

"Ito lang Merck, masasabi ko sa 'yo, last na 'tong sasabihin ko sa 'yo, kung hindi mo kayang ibigay sabihin mo, 'wag ka nang maraming sinasabi…"

Makagwapo kay Xander Ford: 'Hindi ko responsibilidad ang anak mo!'

Samantala, wala pang kontra-pahayag si Makagwapo tungkol dito.