Isang sweet birthday message ang handog ni Dra. Vicki Belo para sa kaniyang mister na si Hayden Kho Jr.

Sa Instagram post ni Belo nitong Sabado, naghandog siya ng mensahe para sa mister. Aniya, masaya siya dahil sinunod niya ang puso niya at ipinaglaban ang kanilang relasyon.

"Happy Birthday Peepow. I’m so happy that I followed my heart and decided to fight for our relationship. Because now, I’m enjoying all the rewards of that decision. You are such an amazing husband, father and friend," ani Belo.

"I just worry because you work too hard but I also see how much joy it brings you to make such great contributions to Belomed. I love you to the moon and back a hundred times," dagdag pa niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nagpaabot din naman ng pagbati ang mga celebrity, vloggers, at iba pang showbiz personality kay Kho.

Ikinasal sina Belo at Kho noong Setyembre 2, 2017 sa Paris, France. Mayroon silang isang anak na babae na si Scarlet Snow Belo-Kho.