Wala pa ring nag-uuwi ng tumataginting na ₱141M jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes ng gabi, Mayo 19.

Sa inilabas ng official draw results ng PCSO, walang nag-uwi ng ₱141,414,346.80 na jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58. Wala kasing nakahula sa winning combination na 46-28-03-43-02-50. Gayunman, may anim na lucky bettor ang mag-uuwi ng ₱120,000 bilang second prize.

May be an image of ticket stub and text

Samantala, wala ring nanalo sa ₱12,861,234.20 na jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na may winning combination na 29-10-06-04-36-42. May 27 lucky bettor naman ang mag-uuwi ng ₱32,000 para sa second prize.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Asahan na mas tataas pa ang mga papremyo ng mga lotto game.

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo habang ang Mega Lotto 6/45 naman ay kada Lunes, Miyerkules, at Biyernes.