Magandang balita para sa mga magsasaka.

Ito’y dahil muling binuhay ang prestihiyosong TOFARM (Top Outstanding Farmers) Search and Award of the Philippines, upang bigyan ng parangal at pagkilala ang mga natatanging mga magsasaka sa bansa.

“TOFARM (Top Outstanding Farmers) Search and Award of the Philippines is finally back to put spotlight on our heroes who took on the challenge of feeding the entire nation to heart, even if the odds were against them. It’s high time they get the recognition and the reward they rightfully deserve,” ayon kay Dr. Milagros O. How, na siyang chief advocate ng TOFARM at President and CEO ng Universal Harvester, Inc..

Nabatid na ang TOFARM, na sinimulan noong 2012, ay may layuning bigyan ng pagkilala ang mga resilient, resourceful, at remarkable na mga bayani sa sektor ng agrikultura ng bansa.

Mga Pagdiriwang

World Mental Health Day: Ano nga ba pinagkaiba ng Anxiety, Stress at Depression?

Matapos ang limang panahon nang pagbibigay ng parangal, ang TOFARM ay nakakuha na ng 800 nominasyon at nakapagkaloob ng higit 185 awards sa buong bansa.

Ngayong taon, ipagpapatuloy ng TOFARM ang sinimulan nito sa pag-asang higit itong makapagbibigay ng inspirasyon sa mga magsasaka na higit pang linangin ang kanilang sariling kakayahan, ibahagi ang kanilang kaalaman, at magkaroon pa ng mas maraming awardees sa mga susunod na panahon.

Nabatid na ang pagtanggap ng nominasyon para sa “TOFARM 2023: Ang Muling Pagsibol” ay sisimulan sa Hunyo 1, 2023.

Ang mga interesadong lumahok ay maaaring makakuha ng nomination forms sawww.tofarm.orgat maaari ring mag-follow sa kanilang Facebook na @tofarmsearch.

Kabilang sa mga kategorya para sa patimpalak na maaaring salihan ay ang individual category para sa mga magsasaka, woman farmer, young farmer, agri-innovator, agri-entrepreneur, urban farmer, fisherfolk, at livestock.

Mayroon ding group category para sa family farmer, agri-initiatives, agri-cooperative at LGU.

Ang mga magwawagi para sa individual category ay pagkakalooban ng TOFARM Plate at P50,000 cash habang TOFARM Plate at P100,000 naman ang naghihintay na maiuwi ng mga papalaring manalo para sa Group Category.